Deputy Administrator Sulaik, pormal nang nagsimula sa kaniyang trabaho sa NIA

43

Pormal nang nagsimulang manungkulan si Engr. Czar Sulaik bilang deputy administrator ng National Irrigation Administration (NIA).

Ito’y matapos na makapanumpa siya kay Supreme Court Associate Justice Jhosep Lopez.

Si Sulaik ay isang irrigation expert.


Humawak siya ng iba’t ibang posisyon sa NIA Regional and Project Management Offices.

Noong 2017, itinalaga siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Deputy Administrator for Engineering and Operations Sector.

Kabilang siya sa NIA Top Management sa ilalim noon ni dating NIA Administrator Ricardo Visaya kung saan sinubaybayan niya ang implementasyon ng mga programa ng ahensya.



Facebook Comments