Deputy Governor ng BSP, itinalagang OIC ng Bangko Sentral ng Pilipinas habang nagpapagaling si Gov. Ben Diokno

42

Itinalaga ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin E. Diokno si Deputy Governor Francisco G. Dakila Jr., bilang Officer-In-Charge (OIC) ng BSP.

Ito ay habang nagpapagaling si Diokno matapos sumailalim sa medical procedure.


Si Governor Diokno ay kasalukuyang naka-medical leave matapos ang matagumpay na operasyon sa namuong dugo o blood clot dulot ng isang minor accident.

Batay sa medical report, nagpakita nang maayos na recovery ang governor na nagising at masiglang nakausap isang oras matapos na maoperahan.

Inaasahang sa loob ng apat hanggang limang araw ay lalabas na ng ospital si Diokno at inaasahan din na siya ay babalik na sa trabaho.

Tiniyak naman ni Diokno na nananatiling focus ang BSP sa pagsusulong ng price stability, financial system stability at efficient payment system.




Facebook Comments