Derek Ramsay, naging emosyonal matapos na first time na tawaging “Daddy” ng anak na si Austin

396

Naging emosyonal ang British-Filipino model at aktor na si Derek Ramsay matapos siyang tawaging “Dad” sa kauna-unahang pagkakataon ng kaniyang anak na si Austin.

Ang precious moment na ito ay nakuhanan ng video ng kaibigan ni Derek na si Din Gamallo, at nai-post sa Instagram ng aktor nitong April 1.


Sa naturang video, makikita na yakap ni Derek ang anak na si Austin sa lanai area ng kaniyang bahay sa Alabang matapos siyang tawagin nitong “Dad”.

Labis naman ang naging pasasalamat ng aktor sa natanggap niyang blessings at pinasalamatan din si Din dahil sa pag-capture nito ng isa sa mga memorable moment para sa kaniya.

Matatandaang hiwalay si Austin kay Derek dahil nakatira ito sa kaniyang ina na si Mary Christine Jolly sa Dubai at lumipat lang kay Derek nitong 2017 nang siya ay 14 years old na.

Facebook Comments