Deriktiba ng Pangulo na arestuhin ang hindi maayos na pagsuot ng face mask, suportado ng liderato ng Senado

185

Suportado ni Senate President Tito Sotto III ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin at ikulong ng siyam na oras ang mga hindi magsusuot nang maayos ng face mask.

Kumbinsido si SP Sotto na ang paghihigpit ng mga otoridad ay makakatulong para masunod ang health protocols lalo’t maraming matitigas ang ulo na nag-iinuman pa sa kalsada at sila pa ang matatapang at nananakot sa mga barangay tanod.


Inihalimbawa ni SP Sotto ang Vietnam at Singapore na mabilis napigil ang pagkalat ng COVID-19 dahil sa mahigpit na mga otoridad kung saan kulong ang mga hindi susunod sa protocols.

Para naman aniya sa mga umaangal na paglabag na ito sa karapatang pantao, ay iginiit ni SP Sotto na kaya lumalala ang COVID-19 situation sa bansa ay dahil sa ganyang mga palusot.

Facebook Comments