Desisyon ng Kamara sa impeachment complaint laban kay VP Sara, ipiprisenta sa plenaryo ng Kamara ngayong hapon

Sa session ng Kamara mamayang hapon ay asahan ang pormal na anunsyo ni House General Reginald Velasco kaugnay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa ngayon ay may caucus na isinasagawa ang mga kongresistang kasapi ng House majority kung saan tinatalakay umano ang mga reklamong impeachment laban kay VP Duterte.

Bago magsimula ang caucus ay sinabi ni Velasco na magiging “exciting” ang araw na ito sa plenaryo.


Ayon kay Velasco, may sapat na bilang na ng mga kongresista ang sumusuporta sa pagpapa-impeach sa ikalawang pangulo.

Sabi ni Velasco at ng ilang kongresista na ayaw munang pabanggit ng pangalan, higit pa sa required na 103 ang mga kongresistang pumirma na pabor sa impeachment kay VP Sara.

Facebook Comments