Umabot na sa 1.5 billion fake accounts ang isinara ng Facebook.
Ito ang naitala ng Facebook sa 2nd quarter at 3rd quarter ng taon.
Bukod sa fake accounts, binabantayan din ng Facebook ang mga adult nudity, sexual activity, hate speech, spam, terrorist propaganda, karahasan, at graphic content na ibinahagi sa Facebook mula nitong Abril hanggang Setyembre.
Base sa tala ng Facebook, higit doble ang itinaas ng mga hate speech post na nasa 52% kumpara sa 24% noong nakaraan.
Mayorya sa mga post na inalis ng Facebook ay natuklasan nila bago pa man may nag-report ng mga ito.
Tumaas naman ng 25% ang proactive detection rate ng Facebook para sa karahasan at graphic content, dahil nakapagtala ngayong taon ng 97% kumpara sa 72% noong nakaraang taon.
Facebook Comments