Development funds ng mga LGUs, pwede nang gamitin bilang tugon sa epekto ng COVID-19

61

Maaari nang gamitin ng mga Local Government Units (LGUs) ang kanilang 20% development fund bilang tugon sa epekto ng COVD-19 sa bansa.

Kaugnay ito ng nilagdaang Joint Memorandum Circular No. 1 nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Budget Secretary Wendel Avisado.


Sa ilalim ng nito, maaari na nilang gamitin ang nasabing pondo pambili ng mga medical equipment at mga food assistance para sa mga apektadong pamilya.

Nabatid na marami kasing alkalde ang nangangamba na dahil malapit ng maubos ang kanilang quick response fund dahil sa nasabing krisis.

Facebook Comments