DEVOLUTION TRANSITION PLAN WORKSHOP UKOL SA BAGONG REPORMA NG PAMAHALAAN, DINALUHAN NG 77 PUNONG BARANGAY NG BAYAMBANG

205

Dinaluhan ng 77 Punong Barangay, Kagawad, at ang kanilang Treasurer, ang pagtitipon para sa Preparation of the Capacity Development Agenda and Devolution Transition Plan Workshop.

Sa naturang workshop na inorganisa ng Municipal Local Government Operations Office, nag-prepara ang mga barangay officials ng kani-kanilang LGU-DTP bilang parte ng pagsunod sa bagong Mandanas Ruling ng pambansang pamahalaan na naglalayong palawigin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan upang mas mapalawak ang pagbibigay ng serbisyo publiko sa kani-kanilang mga nasasakupan.


Natalakay din ang iba’t ibang usapin tulad ng “Inventory of LGU Functions, Services and Facilities for Barangays”.

Sa workshop ay dumalo ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan at department heads upang magbigay suporta sa workshop na ito at maghatid ng kanilang kuru-kuro sa DTP pagdating ng open forum.

Facebook Comments