DFA, iniulat na walang Pinoy na nasaktan sa train crash sa Philadelphia

46

Philadelphia – Walang Filipino ang nadamay sa naganap na train crash sa Philadelphia.

Matatandaang 33 ang naitalang sugatan sa nasabing insidente kung saan sumalpok ang isang high speed train sa nakahintong tren sa Upper Darby, Philadelphia, Martes ng umaga sa Amerika.

Sa report ni Philippine Consul General in New York Ma. Theresa de Vega sa Department of Foreign Affairs (DFA), malugod nitong ibinalita na walang nasaktang Pinoy sa naturang insidente.


Tiniyak naman ng konsulada sa New York na nakikipag-ugnayan sila sa mga otoridad saka-sakali mang may kababayan tayong nangangailangan ng tulong.

Kasunod nito, nag-alay ng panalangin si Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano sa 33 mga sugatan.

Umaasa din ang kalihim na makakarekober agad ang mga biktima.



Facebook Comments