DFA, kinumpirma na 4 pang Pinoy sa abroad ang gumaling sa COVID-19

22

4 na overseas Filipinos ang bagong gumaling sa COVID-19 sa abroad.

Isa lamang din ang naitalang bagong kaso habang walang naitalang bagong binawian ng buhay.


Umaabot na ngayon sa 18,634 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso ay 6,075 habang ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay 11,396.

1,163 naman ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay.

Facebook Comments