DFA, kinumpirma na apat na Pinoy crew ng Norwegian cruise ship ang nagpositibo sa COVID-19

80

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Oslo, Norway, na apat (4) na Filipino crew ng Norwegian cruise ship ang positibo sa COVID-19.


Ayon sa DFA, ang naturang mga Pinoy ay ginagamot na ngayon sa mga ospital sa Norway.

Habang ang 123 iba pang Filipino crew ay isinailalim na rin sa COVID test at naghihintay ng resulta ng pagsusuri.

Inaasahang ngayong linggong ito ilalabas ang resulta ng COVID test.

Patuloy naman na tinututukan ng Philippine Embassy ang kalagayan ng naturang Pinoy crew.

Facebook Comments