DFA, kinumpirma na isang Pinay na buntis ang nag-iisang COVID-19 case ngayon sa Macau

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang buntis na Pinay ang kaisa-isang kaso ng COVID-19 ngayon sa Macau.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, ang naturang babaeng OFW ay kagagaling lamang ng Pilipinas at nang dumating ito sa Macau, nakumpirmang positibo siya sa virus.

Kinumpirma aniya ng Macau Philippine Consul General na ito lamang ang natatanging active COVID-19 case sa Macau sa ngayon.


Patuloy naman na mino-monitor ng konsulada ang kalagayan ng Pinay na buntis sa tulong ng Macau health authorities.

Facebook Comments