1 Pinoy, patay sa lindol sa Myanmar —DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kumpirmadong nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Myanmar ang isa sa apat na nawawalang Pilipino.

Ayon sa DFA, positibong kinilala ang remains ng naturang Pinoy.

Inabisuhan na rin ng departamento ang pamilya ng biktima.


Tumanggi naman ang DFA na pangalanan ang Pinoy bilang respeto na rin sa nagdadalamhating pamilya nito.

Umaasa rin ang DFA na matatagpuan na rin ang tatlong iba pang missing Pinoy at umaasa ang departamento na buhay ang mga ito.

Facebook Comments