DFA, kinumpirmang binigyan sila ng 15 araw ng Malakanyang para magsumite ng report sa imbestigasyon laban sa kontrobersyal na Philippine Ambassador sa Brazil

153

Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na natanggap na niya ang Presidential Directive no. 2020-196 na nag-aatas sa DFA na imbestigahan ang pagmaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa kanyang Pinay household staff.

Ayon kay Locsin, binigyan sila ng Malakanyang ng 15 araw para magsumite ng report Presidential Management Staff.


Kinumpirma naman ni Locsin na bumuo na siya ng fact-finding team na magsasagawa ng imbestigasyon laban kay Ambassador Mauro.

Kabilang aniya sa team leaders sina Philippine Consul General to Sydney Ezzedin H. Tago, Jaime B. Ledda CM1, Narciso T. Castañeda BAC, at Atty. Ihna Alyssa Marie Santos ng DFA-Human Resources Management Office.

Sa ilalim ng Sec. 51 ng Republic Act 7157 o Philippine Foreign Service Act of 1991, ang sino mang ambassador ng Pilipinas na may nagawang kasalanan ay hindi maaaring isailalim sa formal investigation kapag walang basbas ng Pangulo.

Facebook Comments