DFA – magkakaroon ng “one team approach” upang tutukan ang mga pangangailangan ng mga OFWs

78

Manila, Philippines – Tiniyak ngayong ni Dept. of Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na prayoridad sa kanyang pamumuno ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.

Sa flag ceremony kaninang umaga sa DFA sa Pasay City, sinabi ni Cayetano na habang hinihintay ang pagpasa ng kongreso sa itatayong Department of OFW, magkakaron sila ng ”one team approach” na tututok sa mga pangangailangan ng mga pinoy workers abroad.


Plano din ng bagong kalihim na gamitin ang social media platforms para sa magandang koordinasyon sa mga OFWs.

Nangako si Cayetano na ililinya ang foreign policy ng bansa sa interes ng mga Pilipino.
DZXL558

Facebook Comments