DFA, nagbabala laban sa mga scam na may kinalaman sa passport appointment at authentication

33

Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko laban sa mga naglipanang passport appointment at document authentication scams sa social media.

Sa abiso ng DFA, sinabi nila na hindi sila gumagamit ng Facebook o anumang social media network para mag-alok o magkumpirma ng passport application appointments.


Wala rin silang inootorisang indibidwal o kumpanya para mag-alok o tumanggap ng passport appointment scheduling.

Pinayuhan ng DFA ang publiko na balewalain ang mga ganitong alok at gamitin lamang ang official passport appointment system ng DFA.

Facebook Comments