DFA, nagpaalala sa restrictions ng passport applicants

204

Nag-anunsyo ang Department of Foreign Affairs-Office of Consular Affairs (DFA-OCA) kaugnay ng kanilang mahigpit na pinaiiral na by appointment system sa passport applicants

Sa harap ito ng national health emergency dahil sa COVID-19 pandemic.


Ayon sa DFA, limitado lamang ang kanilang slots para sa passport appointment kaya pinapayuhan ang mga aplikante na bisitahin na lamang ang kanilang website na
passport.gov.ph para pagpa-book ng appointment.

Layon anila nito na mapanatili ang physical distancing sa mga aplikante gayundin sa kanilang mga tauhan.

Pinapayuhan naman ang may mga urgent o emergency travel needs na mag-email sa DFA o di kaya ay magtungo sa pinakamalapit na sangay ng kanilang Consular Office.

DFA-OCA through
oca.cl@dfa.gov.ph or to the nearest Consular Office (visit https://consular.dfa.gov.ph/directory#COS for details) for early accommodation.




Facebook Comments