DFA, nakapagtala lamang ng isang Pinoy na bagong tinamaan ng COVID-19 sa abroad

24

Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isa lamang na Pilipino sa abroad na bagong tinamaan ng COVID-19.

Wala namang naitalang bagong recovery at wala ring naitalang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umakyat na sa 18,659 ang kabuuang bilang ng overseas Filipinos na na-infect ng virus sa ibayong-dagat.

Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 6,091.

Ang kabuuang bilang naman ng recoveries ay 11,400 habang ang total deaths ay 1,168.

Facebook Comments