DFA, nakapagtala ng 2 lamang na mga Pinoy na nadagdag sa bagong COVID cases sa abroad

Umaabot na sa 8,629 ang mga Pinoy sa abroad na nagkaroon ng COVID-19.

Ito ay mula sa 62 na mga bansa na apektado ng virus.

Dalawa sa naturang bilang ang pinakabagong kaso at sila ay mula sa Asia and the Pacific.


37 naman ang bagong gumaling sa sakit at sila ay mula sa Amerika at Asia and the Pacific.

5,200 naman sa naturang bilang ang gumaling na habang 563 ang binawian ng buhay.

2,866 din na mga Pilipino sa ibayong dagat ang patuloy na ginagamot dahil sa COVID-19.

Facebook Comments