DFA, nakapagtala ng 7 Pinoy na bagong tinamaan ng COVID-19 sa abroad

17

Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs ng 7 overseas Filipinos na bagong tinamaan ng COVID-19 sa ibayong dagat.

Wala namang naitalang bagong gumaling at wala ring bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 18,141 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

Ang aktibong kaso naman ay 5,884 habang ang kabuuang gumaling ay umaabot na sa 11,142.

Ang total deaths ay nananatili sa 1,115.

Facebook Comments