DFA, nakapagtala ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga Pinoy sa abroad na gumaling sa COVID-19

39

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 45 na overseas Filipinos na gumaling sa COVID-19 sa abroad.

Sa kabilang dako, 18 na mga Pinoy sa ibayong dagat ang panibagong tinamaan ng COVID-19.


Habang dalawa naman ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 17,082 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibayong dagat na na-infect ng virus.

Sa nasabing bilang, 5,892 ang aktibong kaso habang 10,122 na ang gumaling.

1,068 naman ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay.



Facebook Comments