DFA, nangakong tutugunan ang problema sa pahirapang pagsecure ng passport application slot

Tinutugunan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang napaulat na pahirapang pag-secure ng passport processing slot via online habang inaasahan ang pagdami ng aplikasyon sa Pasko.

Sinabi ni DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto, ginagawa ng kagawaran ang lahat upang magbukas ng karagdagang slots para sa mga nais mag-apply ng publiko.

Kinokonsidera rin nila aniya ang paglalagay ng karagdagang satellite application offices sa bansa sakaling payagan ang kanilang request sa karagdagang pondo.


Sinisilip na rin ng kagawaran ang pagbubukas ng consular offices sa mga probinsya bilang bahagi ng kanilang pangmatagalang plano.

Aabot lang kasi sa 1,000 passport applications at 1,400 authentication applications ang kayang i-accommodate ng main consular office ng DFA sa Aseana, Parañaque kabilang ang tig-300 walk-in applicants para sa Passport Courtesy Lane at Authentication Apostille services.

Facebook Comments