DFA, pinayuhan ang mga gustong bumisita sa South Korea na iwasang magdala ng meat products

83

Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga nais magpunta sa South Korea na sumunod sa pagbabawal sa pagdadala ng animal at livestock products.


Ito ay upang maiwasan ang malaking multa at pagbawalan na muling makapasok sa South Korea.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas, dapat agad na dalhin at ideklara ang mga dalang animal at livestock products sa quarantine office sa port of entry o maharap sa multang 10 million Korean won o mahigit 430,000 pesos.

Oktubre noong nakaraang taon, isang biyaherong hindi nagdeklara ng dalang pork sausage ang pinagbayad ng 5 milyon Korean won at pinatawan ng limang taong ban sa pagbiyahe sa South Korea.

Ang paghigpit ng South Korea ay upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit ng mga hayop.

Facebook Comments