DFA Sec. Teddy Locsin, pinasaringan ang isang opisyal na gustong maging susunod na PNP Chief  

Nagpasaring si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa isang opisyal na nais pumalit sa pwesto ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Sa isang Tweet, sinabi ni Locsin na isang nagngangalang ‘Sermonia’ ang pumoposisyon para maging susunod na PNP Chief.

Umiikot din aniya ito sa ilang Embahada.


Pinagmumura ni Locsin ang opisyal at nagbabalang papatayin ito kapag hindi tumigil.

Samantala, kinumpirma ng PNP na mayroon silang opisyal na nagngangalang Rodel Sermonia na isang One-Star General at kasalukuyang pinuno ng PNP Committee Relations Group.

Kasama rin si Sermonia sa biyahe ng pangulo sa Russia.

Hindi pa malinaw kung bakit nagagalit ang kalihim sa sinasabi niyang Sermonia.

Facebook Comments