DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., may paalala sa kapwa pilipino ngayong araw ng kalayaan

Ipinaalala ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa lahat ng Pilipino sa iba’t-ibang panig ng mundo na patuloy na suportahan ang mga kampaniya ng Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ito ang naging pahayag ni Locsin kasabay ng pagdiriwang ng ika-121 taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas kung saan ipinaalala nito ang kampaniya ng administrasyon na tapang at malasakit para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

 

Ipinunto ni Locsin na patuloy na lalabanan ng gobyerno ang korupsyon, kriminalidad, iligal na droga at iba pang problema lalo na’t nasa kalahati na ng kaniyang termino ang Pangulong Duterte.


 

Patuloy din daw nilang tutugunan ang problema ng mga OFW’s at pananatilihin din ang dignidad ng Pilipinas sa International Community kung saan mas paiigtingin pa nila ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa para na din sa ikakabuti ng nakakarami.

 

Sa huli, umaasa si Locsin na makikipag-tulungan ang bawat isa upang maabot ang minimithing tagumpay para na din sa kapakanan ng bawat Pilipino at makamit ang pag-unlad ng bansa.

Facebook Comments