DFA, tiniyak na walang Pinoy na nasaktan sa malakas na lindol sa Sichuan, China

63

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang mga Pilipinong naapektuhan sa malakas na lindol na tumama sa Sichuan Province sa China.

Kinumpirma rin ng DFA na halos 200 ang mga Pinoy na naninirahan ngayon sa Sichuan.

Sa nasabing lindol, mahigit 50 ang nasawi habang daan-daan ang nasugatan at may ilang missing.


Patuloy pa ring nararamdaman ang aftershocks sa nasabing lugar at pahirapan ngayon ang komunikasyon doon.

Facebook Comments