DFA, walang naitalang bagong kaso, bagong recovery at bagong binawian ng buhay sa hanay ng OFWs

48

Walang naitala ang Deparment of Foreign Affairs (DFA) na bagong Pilipino sa abroad na na-infect ng COVID-19.

Wala ring naitala ang DFA na bagong recovery at bagong fatality.


Bunga nito, nananatili ang total cases sa hanay ng mga Pinoy sa abroad sa 11,665.

Ito ay mula sa 82 na mga bansa.

Ang aktibong kaso naman ay 3,332 habang ang total recoveries ay nananatili sa 7,497 at ang kabuuang binawian ng buhay naman ay nasa 836.

Facebook Comments