DFA, walang naitalang bagong Pinoy na namatay sa COVID-19 sa abroad

22

Walang naitala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong Pilipinong namatay sa COVID-19 sa abroad.

Tatlo namang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bagong gumaling habang 10 ang bagong na-infect ng virus.


Sa ngayon, umaabot na sa 18,581 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 6,050 habang 11,369 ang total recoveries.

1,161 naman ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na binawian ng buhay.

Facebook Comments