DFA, walang naitalang panibagong Pinoy na namatay sa abroad sa COVID

54

Walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong pilipino na namatay sa abroad dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 846.


Isa lamang din ang naitala ng DFA na bagong kaso sa hanay ng overseas Filipinos.

Ang total cases na ngayon ay 11,671 kung saan ang aktibong kaso ay 3,261.

5 naman ang bagong gumaling na Pinoy sa abroad kaya ang total recoveries na ay 7,564.

Facebook Comments