DFA, walang naitalang Pinoy na namatay at naka-recover sa COVID-19 sa abroad

31

Walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipinong namatay at naka-recover sa abroad sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total recoveries sa 7,478 habang ang total deaths ay 834 pa rin.


1 naman ang bagong kaso sa hanay ng overseas Filipinos kaya ang total cases na ay 11,559.

Ang aktibong kaso naman ay 3,247.

Kinumpirma rin ng DFA na bumaba ng 7.22% ang bilang ng mga Pinoy na namamatay sa abroad dahil sa COVID-19 habang bumaba sa 28.09% ang mga bagong kaso at ang recoveries ay tumaas ng 64.69%.

Facebook Comments