‘DI IAATRAS | 6 na buwang suspensyon ng dagdag na buwis sa langis, iginiit ni Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Hindi iaatras ni Committee on Economic Affairs Chairman Senator Win Gatchalian ang iginigiit niyang 6 na buwang suspensyon sa dagdag na buwis sa langis sa 2019.

Ayon kay Gatchalian, patuloy niya itong isudulong kahit pa bumaba ang presyo ng produktong petroyo sa mga susunod na buwan.

Ito kasi ang nakikitang paraan ni gatchalian para makabawi ang publiko mula sa naging mabilis na pagtaas ng presyo ng petrolyo, bigas at iba pang bilihin.


Dagdag pa ni Gatchalian, malaking bagay sa mamamayan kung lulubusin na ng Malakanyang ang plano na isuspendi sa unang tatlong buwan ng 2019 ang dagdag na buwis sa langis na itinatakda ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Facebook Comments