‘DI MAKAPANIWALA | Sen. Lacson, dismayado sa inasal ni Sister Fox

Manila, Philippines – Hindi makapaniwala si Senator Panfilo Ping Lacson sa mga salita o tiradang binitiwan ni Sister Patricia Fox laban sa administrasyong Duterte at mga hinalal na pinuno ng ating bansa.

Para kay Lacson, hindi sakop ng aral simbahang Katoliko ang matatalim na kritisismo at galit na pinapakawalan ni Sister Fox laban sa ating gobyerno.

Ayon kay Lacson, kung totoong mahal ni Sister Fox ang mamamayang Pilipino ay dapat ipinagdasal na lang nito na maliwanagan ang mga binabatikos niyang opisyal ng ating pamahalaan.


Dagdag pa ni Lacson, dapat ikinonsidera din ni Sister Fox na ilang taon siyang kinupkop ng ating bansa.

Kasabay nito ay ipinaalala ni Lacson na dapat masunod ang ating mga batas, gayundin ang mga patakaran ng Bureau of Immigration (BI) at Department of Justice (DOJ) laban sa pakikilahok ng mga dayuhan sa mga aktibidad na pampulitika.

Diin ni Lacson, may karapatan ang ating bansa na bawiin ang anumang prebilehiyo na ipinagkaloob sa mga abusado at lalabag na dayuhan.

Facebook Comments