‘DI NAGUSTUHAN | PRRD, kinumpirmang naghayag si Roque ng intensyong magbitiw

821

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpahayag sa kaniya ng intensyon si Presidential Spokesperson Harry Roque na magbibitiw ito sa pwesto.

Ayon kay Duterte, hindi nagustuhan ni Roque na nalagay siya sa mahirap na posisyon dahil hindi ito nasabihan na nagpunta siya sa ospital.

Pero giit ng Pangulo, hindi naman nagtanong si Roque kung pumunta siya ng ospital.

Aniya, hindi rin niya kailangang sabihin ang lahat ng lakad niya kay Roque.

Facebook Comments