‘DI NAPIGILAN | Bela Padilla, pumalag sa isyung kahawig daw niya ang babaeng nasa viral video greeting ni Cesar Montano

221

Manila, Philippines – Hindi napigilan ng aktres na si Bela Padilla na sagutin ang ilang netizen na nagsabing “kahawig” daw niya ang babaeng sa viral video greeting ni Cesar Montano para sa isang kagawad.

Kasunod na rin ito ng comment ng netizen sa Instagram post ni Bela kung saan makikita sa picture na nakasuot ang aktres ng two-piece bikini habang tanaw ang beach sa Maldives.

Pagkakahawig din daw ng height ng aktres sa babaeng tila nakahubad sa viral video.

Pero, paglilinaw agad ni Bela, hindi siya ang babaeng nasa sa viral video greeting ni Cesar Montano.

Wala daw siyang kinalaman sa isyu kaya nakakagulat aniya dahil isinasangkot siya.

Facebook Comments