‘DI NAWAWALA | Freedom of expression – hindi nawawala sa bansa – ayon sa Malacañang

68

Manila, Philippines – Hindi nawawala ang freedom of expression sa bansa.

Ito ang sagot ng Malacañang sa naging mensahe ni Sister Patricia Fox bago siya lumipad pabalik ng Australia kagabi.

Sinabi ng madre na hindi dapat manahimik at matakot ang mga Pilipino sa gitna ng mga umano ay paglabag sa karapatang pantao sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – kahit ang mga pekeng balita at mga maling impormasyon ay hindi hinaharang ng pamahalaan o ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Sec. Panelo, dapat ay pasalamatan pa si Pangulong Duterte dahil kinikilala nito ang karapatan sa pamamahayag.

Facebook Comments