‘DI PINAGBIGYAN | Hirit ni sister Fox na Extension, binasura ng BI

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na Binasura ng BI ang hirit ni sister Patricia fox na extension sa 59-day tourist visa na binigay sa kanya

Sa November 3 nakatakdang mag expire ang limampu’t siyam na araw na tourist visa na binigay sa kanya ng BI.

Ayon kay Guevarra, kailangang umalis ng bansa ni sister Fox sa November 3 kahit hindi pa nadesesisyunan ng DOJ ang kanyang apela Sa deportation case.


Kapag nanalo naman aniya sa deportation case ang Australian missionary, aalisin ng BI ang kanyang pangalan sa immigration blacklist at makakabalik siya ng Pilipinas.

Una nang binigyan ng Bi ng temporary visitor’s visa si sister Fox matapos mag expire ang kanyang missionary visa.

Facebook Comments