‘DI SIGURADO | PRRD, hindi alam kung tatakbo bilang kongresista si Paolo Duterte

64

Manila, Philippines – Hindi kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat na tatakbo ang kanyang anak na si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte bilang kongresista sa 2019 elections.

Ayon sa Pangulo – matagal ding panahon na hindi niya nakakausap si Polong.

Iginiit muli ni Pangulong Duterte na hindi tatakbo sa mataas na posisyon ang isa pa niyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Una nang sinabi ni Mayor Duterte na tatakbo muli ito bilang re-electionist mayor ng lungsod sa darating na halalan.

Facebook Comments