DICT, nagpaliwanag sa hindi pa paggana ng E-gov Philippines Super App sa mga ahensya ng gobyerno

Ipinaliwanag ni Department of Science and Information Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy ang dahilan nang hindi pa paggana nang ilang features sa inilunsad na E-gov Super App kahapon.

Paliwanang ng kalihim, masyadong marami ang ahensya ng gobyerno, State Universities and Colleges, Local Government Units (LGUs) at GOCC’s na kanilang ipapasok sa E-gov Super App.

Hindi naman raw kakayanin na lahat ng ahensiyang ito ay maipapasok nilang lahat agad sa super app sa loob lamang ng 10 buwan.


Kaya naman unti-unti aniyang ginagawa ito.

Sinabi ni Uy ang ginawang paglulunsad kahapon sa E-gov Super App ay inisyal na yugto pa lamang para magamit na ang ibang ahensiya na handa na sa kanilang serbisyo.

Facebook Comments