
Naging epektibo ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga technical procedures ng midterm elections.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DICT Spokesperson Renato Paraiso na walang na-monitor ang itinatag na 24/7 threat monitoring center ng pamahalaan na tangkang hacking o phishing sa sistema ng Comelec.
Paggpapakita rin aniya ito ng mariing mensahe ng pamahalaan laban sa mga magtatangkang isabotahe ang eleksyon.
Sa kabila nito, may mga na-monitor ang DICT na nagpakalat ng fake news tungkol sa halalan.
Halimbawa rito ay ang nagsabing nalipat ang petsa ng eleksyon, sa May 10 sa halip na May 12 at ang pagpapakalat ng deep fakes laban sa ilang kandidato.
Mabilis naman aniya itong natugunan ng pamahalaan, at tinake down ang server ng nagpakalat ng maling impormasyon.