‘Die Hard Duterte Supermajority,’ bubuoin sa Kamara

65

Manila, Philippines – Nasa proseso na ang pagbuo ng Die Hard Duterte Supermajority o DDSM sa Kamara.

Ito ang sinabi ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano matapos siya i-endorso ng Pangulo bilang susunod na house speaker.


Ayon kay Cayetano – abala na siya sa pakikipagpulong sa mga kongresita mula sa iba’t-ibang partido at bloc.

Aniya, ramdam na niya ang suporta ng kanyang mga kasamahan.

Nakausap na niya si Marinduque Representative Lord Allan Velasco at Leyte Representative Martin Romualdez.

Dagdag pa ni Cayetano, kabilang sa kanilang aasikasuhin ay ang pagtatalaga ng mga mamumuno sa house committees.

Mahalagang maisulong din ang legislative agenda ng Pangulo bago maging abala sa susunod na eleksyon ang mga kongresista.

Facebook Comments

From Advertisers