Digital bayanihan ng pamahalaan at tech giants, pinaigting laban sa fake news ngayong halalan

Nagpulong ang Commission on Elections Advisory Council (CAC) sa pangunguna ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para tiyaking ligtas at malinis ang nalalapit na halalan, sa gitna ng lumalalang banta sa online platforms.

Tinalakay sa pulong ang mga hakbang para labanan ang digital misinformation at cyber threats, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa mga tech giants gaya ng TikTok, Google, at Meta.

Kabilang sa naging tugon ng mga kompanyang ito ay ang pagbabawal sa mga bayad na political ads sa kanilang mga platform bilang bahagi ng kanilang suporta sa malinis na eleksyon.

Sa ilalim ito ng digital bayanihan, kung saan nagsanib pwersa ang DICT at social media platfroms upang protektahan ang integridad ng halalan laban sa mga online threats, tulad ng deepfakes at pagpapakalat ng maling impormasyon.

Ang CAC ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor at regular na nagpupulong upang talakayin ang mga isyung may kinalaman sa halalan.

Facebook Comments