Digital forensic, isinagawa para alamin kung may kasabwat pa ang nadakip na suspek sa pangingikil kay Kiefer Ravena

85

Manila, Philippines – Nagsasagawa na ng digital forensic ang mga otoridad para alamin kung may kasabwat ang nadakip na suspek sa pangingikil sa UAAP basketball star na si Kiefer Ravena.

 

Ayon kay Supt. Jay Guillermo, spokesman ng PNP Anti-Cybercrime Group Division – posibleng gumamit ang suspek na si Kristoffer Monico ng mga pekeng accounts para palabasin na hindi siya ang pinagmulan ng mga maseselang larawan ng basketball player.

 

Una rito, sinabi ni Monico na ginamit lamang niyang panakot ang bantang pagpapakalat ng hubad na larawan ni Ravena para mangikil ng P50,000.

 

Sinasabing ang hubad na larawan ni Ravena ay ipinadala niya sa isang babae na naka-chat niya sa internet.



Facebook Comments