DILG, binigyan ng 75 araw ang mga barangay officials para sa 2.0 road clearing operation  

58679

Bibigyan ng 75 araw ang mga barangay official para linisin at ibalik sa publiko ang kalsada.

Batay sa MC 2020-27, target sa clearing operations ang mga terminal ng tricycle na alanganin ang pwesto halimbawa kung ito ay nasa National Road.


Pangungunahan ng Barangay Chairman ang 2.0 road clearing operation kung saan agad silang papatawan ng show, cause, order sakaling bigong tumupad sa kautusan.

Ayon kay DILG Secretary Edwardo Año, dapat rebisahin na ang pinapatupad na one-side parking.

Samantala, papayagan naman ang mga burol sa kalsada pero dapat mayroon silang permit mula sa barangay.

Facebook Comments