DILG, hinimok ang mga LGU na luwagan ang quarantine rules at payagang makapasok ang relief teams

59

Hinimok ng Department of Interior and Local and Government (DILG) na pansamantalang bawiin ang kanilang COVID-19 quarantine restrictions at health protocols para makapasok ang rescue at relief teams sa kanilang lugar.

 

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, naglabas na isla ng abiso sa mga local government units (LGUs) lalo na sa mga lugar na matinding napuruhan ng bagyo kabilang ang Catanduanes, Camarines Norte, Isabala at Cagayan.


 

Kailangang makipag-coordinate ang mga LGU sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) at Office of Civil Defense (OCD) para sa temporary lifting ng quarantine restrictions.

Facebook Comments