DILG, ikinatuwa ang pagkakasamsam ng PNP sa ₱173-M halaga ng ‘shabu’ sa buy-bust operation sa QC

Ikinalugod ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., ang sunod-sunod na tagumpay ng Philippine National Police (PNP) kontra iligal na droga.

Kasunod ito ng matagumpay na anti-illegal drug operation ng PNP sa bahagi ng Roosevelt Avenue sa Brgy. San Antonio, Quezon City.

Nangako ang kalihim na hindi ititigil ng gobyerno ang laban kontra sa iligal na droga sa bansa.


Pinuri ng kalihim ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa pagkaaresto sa drug suspect na si Rodgen Umali, tubong Ipil, Zamboanga at naninirahan sa Toledo Subdivision sa Barangay Manlitlit, Sta. Rosa sa Laguna.

Nabawi sa kanya ang nasa 25.5 kilo ng hinihinalang shabu, kasama ang boodle money, isang mobile phone at isang Nissan Tierra na sasakyan.

Facebook Comments