DILG, inatasan ang mga LGUs na mahigpit na parusahan ang nagpapalaganap ng bandalismo

200

Iniutos ng Department of the Interior and Local Government sa mga Local Government Units na mahigpit na ipatupad ang

umiiral na ordinansa laban sa bandalismo at tiyaking mapapatawan ng mabigat na parusa ang sinuman na mahulihang lumalabag.


 

Ginawa ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan  Malaya ang paalala kasunod ng ginawang pagpintura ng protest statement ng mga militanteng kabataan sa Lagusnilad underpass sa Maynila.

 

Sinabi ni Malaya na ang vandalism ay isang porma ng malicious mischief na may katapat na parusa sa ilalim ng Article 327 ng Revised Penal Code.

 

Ani Malaya, hindi biro ang pagpapapintura at pagsasaayos ng mga public walls at propredad ng gobyerno.

 

Pero, sa ilang segundo lamang ay napakadali ang pagsira nito ng mga nagbabandalismo.

Facebook Comments

From Advertisers