DILG, inatasan ang PNP na ilagay sa heightened alert ang kanilang pwersa

64

Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na ilagay sa heightened alert ang kanilang puwersa para i-monitor ang aktibidad ng mga kandidato na may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, magsilbing babala ang nangyari kay Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo sa ibang mga pulitiko na nagbabalak magdala ng karahasan sa kanilang mga katunggali sa pulitika.

Tiniyak ng DILG na lalansagin ng PNP ang mga private armed groups ng mga pulitiko at tatanggalan ng lisenya sa paghawak ng sandata ang sinumang lalabag sa batas.

Facebook Comments