DILG, inihayag na matagumpay ang road clearing operation sa buong bansa

113

Idineklarang tagumpay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nationwide road clearing efforts ng mga Local Government Units (LGU).

Sa pulong balitaan sa DILG Central Office, sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año na natutuwa siya dahil sa kabila ng mga balakid at pagsubok, malaking bahagi ng pamahalaang lokal sa bansa ang nakasunod sa paglilinis ng mga kalsada at bangketa sa mga sagabal o obstruction.


Sa report ng DILG, pasado ang mga mga LGUs sa Metro Manila sa isinagawang verification.

97 lamang mula sa 1,245 LGUs ang hindi nakasunod at makatatanggap sila ng show cause order.

Sa 97 LGUs, 11 ay mula sa Region I, isa sa Region II at III, pito sa MIMAROPA, sampu mula sa Region V, isa sa Region VI, 12 sa Region VII, 9 sa Region VIII, 18 sa Region IX, 13 sa Region X, tatlo sa Region XI at XII, apat sa XIII at CAR.

Facebook Comments

From Advertisers