DILG, kumpiyansang hindi na magkakaroon pa ng COVID-19 surge kahit ibinaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila

48

Kumpiyansa ang Department of the Interior and Local Government na hindi na magkakaroon ng COVID-19 surge kahit ibinaba na sa alert level 3 ang Metro Manila.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na nagpapatuloy naman ang ating vaccination rollout at hindi sila nagpapabaya sa kabila ng pagluwag ng restrictions.

Kampante rin aniya sila na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng COVID-19 cases lalo na dito sa Metro Manila.


Ayon pa kay Malaya, nasa halos siyam na milyon na ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine dito sa Metro Manila na katumbas ng halos 92 percent ng eligible population.

Facebook Comments