DILG, maglalabas ng Show Cause Order upang pagpaliwanagin ang Mayor ng Montalban, Rizal

Magpapalabas ng show cause ang Department of the Interior and Local Government laban sa isang alkalde sa Rizal na napaulat na tinanggihan ang pagpapalibing sa dalawang residenteng Muslim na nasawi dahil sa COVID-19.

Ito’y sa kabila na may nailatag na Guidelines Burial Procedure sa gitna ng umiiral na Public Health Emergency.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ayaw pirmahan ng alkalde ang applications para sa burial permits.


Napilitan tuloy ang mga kaanak na ipalibing na lamang ang mga nasawi nilang mahal sa buhay sa Muslim Cemetery sa Norzagaray, Bulacan .

Batay sa guidelines ng Department of Health, ang disposal o shipment ng COVID-19 victims ay dapat isagawa sa loob ng 12 oras sa pamamagitan cremation alinsunod sa religion o kaugalian ng namatayan.

Ani Año, limitado ang Muslim cemeteries sa Metro Manila kaya hindi na dapat pahirapan pa ang mga namatayan na nagnanais lamang ng maayos na mailagak sa huling hantungan ang kanilang namatay na mahal sa buhay.

Facebook Comments